15 EKTARYANG PALAYAN SA BRGY. NUNGNUNGAN 2, PINADAPA NI BAGYONG ENTENG

Cauayan City – Pinsala sa mga pananim na palay ang iniwan ng bagyong Enteng sa mga magsasaka sa Brgy. Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Kapitan Cesar Bareng, tinatayang nasa 15 ektarya ng pananim na palay ang dumapa dahil sa hangin at pag-ulan na dala ni Bagyong Enteng.

Aniya, isa ngayon sa hakbang na ginagawa ng mga Brgy. Officials ay ang pagbisita sa mga palayan na lubhang naapektuhan upang maireport ang kanilang sitwasyon sa Agriculture Office at maihingi ang mga ito ng tulong.


Samantala, bagama’t may iniwang pinsala sa mga bukirin ipinagpapasalamat pa rin ni Kapitan Bareng na walang lubhang naapektuhan na mga residente sa kanilang lugar at napanatili ang kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments