15 ISIS-inspired militants patay sa SPMS BOX

107

Maaring buhay pa rin si si Esmael Abdulmalik o Abu Toraype ng Jamaatul Muhaajireen Wal Ansar breakway ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters .
Ito ang napag- alaman mula kay 6th ID CMO Chief Army Col. Gerry Besana sa panayam ng RMN Cotabato.
Bagaman malaki ang posibilidad nito, iginiit naman ni Col. Besana na pahirapan na rin ngayon ang sitwasyon ng mga elementong hinahabol sa bahagi ng SPMS BOX ng Maguindanao.
Tinatayang nasa 15 elemento ni Abu Toraype ang napapatay sa nagpapatuloy na engkwentro sa pagitan ng ISIS Inspired Group kontra sa mga elemento ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng MILF.
Sinasabing nagdagdag na rin ng pwersa ngayon ang MILF sa SPMS Box para tuluyang matuldukan na ang paghahasik ng kaguluhan ng pwersa ni Abu Toraype.
Matatandaang magdadalawang linggo na magmula ng suyurin ng BIAF MILF si Abu Toraype sa bahagi ng Shariff Saidona Mustapha, Datu Saudi Ampatuan na umabot na ngayon sa Datu Salibo.
Limang BIAF MILF Combatants na rin ang nasawi maliban pa sa 8 naging sugatan.
Kaugnay nito maliban sa mga naitalang mga sugatan mula sa dalawang panig, daang mga pamilya rin ngayon ang apektado.
Siniguro naman ng military na hindi na makakalabas pa ng SPMS Box ang tropa ni Abu Toraype.(DENNIS ARCON)
Google PIC

Facebook Comments