15 katao, dinakip dahil umano sa iligal na karera ng kalabaw

REPRESENTATION PHOTO FROM SHUTTERSTOCK

Arestado ang 15 katao sa Pulilan, Bulacan dahil umano sa iligal na karera ng kalabaw.

Kasama sa mga nadakip ay isang barangay kagawad at anim na menor edad. Aabot naman sa walong imported na kalabaw ang kinuha ng pulisya.

Pero depensa ng mga suspek, wala raw naganap na pustahan sa naturang karera.

Nasa kostudiya ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nahuling kabataan.

Samantala, sinampahan ng kasong illegal gambling at paglabag sa Bayanihan to Heal As One Act ang mga matatandang salarin.

Facebook Comments