Cauayan City, Isabela- Timbog ang 15 katao matapos maaktuhan na nagsasagawa ng iligal na tupadahan bandang 12:00 ng tanghali sa Sitio Zaragosa, Brgy. Nacalma, Benito Soliven, Isabela.
Ayon sa imbestigasyon ni PEMS Joselito Bulan, imbestigador sa kaso, sinabi niya na magkatuwang na inaresto ng pulisya at miyembro ng kasundaluhan (86th Battalion) ang nasabing bilang ng tao matapos silang makatanggap ng impormasyon sa ilang residente sa lugar.
Aniya, bulubunduking bahagi ang lugar kung kaya’t inakala ng mga nadakip na hindi na sila matutunton pa ng pulisya.
Narekober sa lugar ang tatlong (3) panabong na manok, isang box ng tari at pera na nagkakahalaga ng P1,430.
Sasampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya.