15 kilo ng mga gamot, nakumpiska sa NAIA

Aabot sa 15 kilo ng mga gamot ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay BOC airport customs district collector Carmelita Talusan, nakita ang nasabing mga gamot sa hand carry luggage ng isang American citizen na galing Vietnam.

Aniya, bigong magpakita ng mga kaukulang dokumento mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang Amerikano para ipasok sa bansa ang mga gamot.


Nabatid na madalas ang pagbiyahe ng nasabing Amerikano sa Pilipinas.

Facebook Comments