Aabot sa labinlimang kongresista ang kumalas sa co-authorship para sa inaprubahang Anti-Terrorism Bill.
Mula sa 71 ay 56 na lamang ngayon ang mga co-authors ng panukala.
Kabilang sa mga kongresista na nagpaalis ng pangalan sa panukala bilang co-authors ay sina;
1. Deputy Speaker Loren Legarda
2. Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr.
3. Deputy Speaker Evelina Escudero
4. Biñan City Rep. Marlyn Alonte
5. Ilocos Norte Rep. Ria Fariñas
6. Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun
7. Manila Rep. Cristal Bagatsing
8. Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat
9. Magdalo Partylist Rep. Manuel Cabochan III
10. Quezon City Rep. Anthony Peter Crisologo
11. Laguna Rep. Ruth Mariano-Hernandez
12. Iloilo City Rep. Julienne Baronda
13. Iloilo Rep. Michael Gorriceta
14. Samar Rep. Sharee Ann Tan
Nauna namang binawi ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na isa sa mga principal author ng panukala ang kanyang pangalan sa mga may-akda sa dahilang ini-adopt lamang ng Kamara ang bersyon ng Senado at hindi nabigyan ng pagkakataon ang mga kongresista na mailatag ang kanilang mga argumento.
Ilang kongresista rin ang ipinatama ang kanilang mga boto na nakalista sa house secretariat.
Hinimok naman ni Agusan Del Norte Rep. Lawrence Fortun na i-recall na muna ang panukala at ibalik sa komite kung saan maaari itong isailalim sa mas masusing review at amyendahan.