15 lungsod sa NCR, may kumpirmadong kaso na ng Omicron variant

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nasa 15 lugar na sa National Capital Region (NCR) ang may kaso ng Omicron variant.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, lumabas sa bagong genome sequencing na Omicron na ang predominant variant sa NCR kung saan 15 sa 17 lungsod nito ay may local cases na ng naturang variant.

Aniya, nakakaapekto rin sa pagtaas ng mga kaso ang bilis ng mobility at ang delay sa pag-detect at pag-isolate ng mga kaso.


Matatandaang nauna nang sinabi ni DOH Secretary Francisco Duque III na 90% sa latest genome sequencing ay Omicron variant.

Facebook Comments