Umabot na sa mahigit P15 milyon na halaga ng pera ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 sa unang bugso ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) – Educational Assistance pay-out para sa mga mahihirap na mag-aaral sa buong rehiyon dos.
Batay sa pinakahuling datos ng ahensya, tatlo ang naserbisyuhan sa lalawigan ng Batanes; 1, 708 sa field office;861 sa Isabela; 1,927 sa Nueva Vizcaya at 1, 420 sa Quirino.
Habang umabot sa 5, 919 ang kabuuang bilang ng mga benepisyaryo na kanilang naabutan ng serbisyo ng magsimula ang pamamahagi ng tulong pinansyal noong sabado, August 20, 2022.
Una nang sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na hindi na maaaring makatanggap ng ayuda ang mga pamilyang kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Paliwanag ng kalihim, ang natatanggap na pera ng mga miyembro ng programa ay para sa pag-aaral ng kanilang mga anak.
Sa huli, isasagawa nalang ang pagbibigay ng ayuda sa municipal level upang maiwasan ang hindi inaasahang insidente.
Facebook Comments