Nagsimula nang magdatingan ang biniling metal plates ng Land Transportation Office (LTO).
Nasa labinlimang milyong piraso ng ‘metal plates’ ang inorder ng LTO upang mapunuan ang 13.2 milyong backlog ng plaka ng motorsiklo at ang 179,000 na backlog naman para sa mga sasakyan o 4-wheeled vehicles.
Humingi naman ng pang unawa si LTO Chief Assistant Secretary Atty. Vigor Mendoza II dahil mangangailangan ng sapat na panahon upang tugunan ang problema sa backlog partikular na sa mga motorsiklo.
Dagdag ng LTO Chief, monthly basis pa muna matutugunan ang mga kakulangan sa plaka.
Pero sa susunod na taon ay mapupunuan na ang lahat ng backlog gayundin ang pagrerehistro sa mga bagong sasakyan at motorsiklo.
Facebook Comments