Iginiit ng Department of Tourism (DOT) na tanging 15 accredited Accommodation Establishments (AEs) sa Metro Manila lamang ang pinayagang mag-operate para sa staycation.
Ito ay harap ng dumaraming bilang ng quarantine hotels na lumalabag pagdating sa accreditation.
Ang mga accredited hotels para sa staycation ay ang mga sumusunod:
- Grand Hyatt Hotel
- Makati Shangri-La Hotel
- Okada Manila Hotel
- Shangri-La at the Fort
- Nobu Hotel
- Joy Nostalg Hotel and Suites Manila
- EDSA Shangri-La Manila
- Solaire Resort
- Hyatt Regency City of Dreams
- Nuwa Hotel City of Dreams
- The Peninsula Manila
- Aruga by Rockwell
- Sheraton Manila Hotel
- Hilton Manila
- Hotel Okura Manila
Ang iba pang accommodation establishments na wala sa listahan ay nag-o-operate bilang quarantine hotels at bawal tumanggap ng guests para sa leisure purposes.
Pinayuhan ng DOT ang publiko na i-check ang status ng establishment bago mag-book.
Facebook Comments