Nagsanib pwersa ang Manila Electric Company at One Meralco Foundation sa pakikipagtulubgan ng Don Bosco College-Canlubang upang suportahan ang mga kababaihang estudyante na nangangarap na maging skilled electrical technicians.
Sa ilalim ng tripartite Memorandum of Agreement, Meralco at One Meralco Foundation ay mag- iisponsor ng 15 mga kababaihang freshmen students mula sa Don Bosco College-Canlubang, na nangangarap na mapabilang sa Meralco.
Ang naturang scholarship ay babalikatin matrikula at allowances ng mga estudyanteng sasailalim ng Technical Vocational Education Training Program para sa NC II Program on Electrical Installation at Maintenance and Mechatronics para sa school year 2022-23, na magsisimula sa buwan ng Abril.
Ang mga Women Technician Scholarship Program ay saklaw din ang apat na buwan na on-the-job training program para sa mga piling estudyante na mabibigyan ng opurtunidad na mapabilang sa Meralco.
Napag-alaman na ang Laguna-headquartered academic institution ay tumatanggap ng scholarship applications hanggang Pebrero 28 sa mga interesadong estudyante ay maaari silang mag-sumite ng kanilang applications sa Admission Office ng Don Bosco College-Canlubang o kaya sa pamamagitan ng dbc_gatc@one-bosco.org.