Inanunsyo ng Quezon City Government na 15 paaralan ang hindi makakasabay sa pagbubukas ng School Year 2024-2025 ngayong araw at ipagpapaliban ito sa Agosto 5.
Ayon sa QC Local Government Unit (LGU) ang naturang hakbang ay para bigyang daan ang rehabilitasyon at paglilinis.
Kabilang ang mga pasok ay ang mga sumusunod:
Odelco Elementary School
Sto. Cristo Elementary School
Balumbato Elementary School
Cong. Reynaldo Calalay School
Sinag-Tala Elementary School
San Francisco Elementary School
Dalupan Elementary School
Disosdado Macapagal Elementary School
Rosa Susano Elementary School
Dr. Josefa Jara Martines high School
Sta. Lucia High School
Masambong High School
Masambong Elementary School
Sergio Osmena Elementary School
Sergio Osmena Senior High School
Paliwanag ng LGU, labing limang mga paaralan ang walang pasok dahil isa ito sa mga eskwelahan na napinsala ng malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Carina at habagat kung saan lampas-tao ang tubig at maraming nabasang kagamitan habang ang ibang paaralan naman ay ginamit na evacuation center.
Karamihan naman sa mga eskwelahan sa malaking bahagi ng Quezon City ay balik-eskwela na.