15 mga tauhan ni ASG lider Radullan Sahiron, sumuko sa militar sa Sulu

Kusang loob na sumuko sa tropa ng militar ang 15 miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sitio Bayug, Brgy. Samak, Talipao, Sulu.

Ayon kay 1101st Infantry Brigade Commander Col. Antonio Bautista, kaninang alas-12:00 ng tanghali sumuko sa kanilang kampo ang 15 Abu Sayyaf.

Aniya, ang mga sumukong ito ay mga tauhan ni ASG lider Radullan Sahiron at kabilang sa kidnap for ransom group na nag-o-operate sa Patikul, Talipao, Maimbung at Indanan, Sulu.


Isinuko rin nila ang 14 na matataas na kalibre ng armas.

Sa ngayon isinasailalim sila sa custodial debriefing at medical check-up sa kampo ng militar sa Sulu.

Dahil sa kanila namang pagsuko, makakakuha sila ng benepisyo mula sa gobyerno para makapagbagong buhay.

Facebook Comments