*Cauayan City, Isabela*- Boluntaryong isinuko ang mga sarili ng 15 Militia ng Bayan at 11 Supporter ng New People’s Army na bumaba mula sa kabundukan ng Mountain Province dala-dala ang kanilang mga matataas na kalibre ng baril.
Ito ay matapos ang patuloy na pagsasagawa ng Community Support Program (CSP) ng 54th Infantry Battalion, 5ID, PA sa pamumuno ni LTC Narciso B Nabulneg Jr. at sa tulong na din ng kapulisan ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR).
Tinatayang nasa kabuuang 26 ang mga boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan habang ang 16 sa mga ito ay mula sa grupo ng Kilusang Larangan Guerilla (KLG)-Marco, Leonardo Pacsi Command sa Bayan ng Bauko at Sadanga, Mt. Province.
Kaugnay nito, isinuko rin nila ang mga armas gaya ng M60 Machine Gun, isang AK-47 Automatic Rifle, dalawang M1 Garand Rifle, isang M16 Automatic Rifle, isang Hand grenade, isang ICOM HH Radio at mga subersibong dokumento.
Samantala, sampung miyembro naman ng Milisyang Bayan na kasapi ng Central Front Committee (CFC), Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV) ng Teroristang Komunistang NPA mula sa San Mariano sa Isabela ang nagbalik-loob sa gobyerno sa tulong at pagsisikap ng mga miyembro ng 95th Infantry Battalion, 5ID, PA sa pamumuno ni LTC Gladiuz C Calilan.
Sa kabila nito, mapapabilang sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ang mga sumuko milisya ng bayan para sa kanilang pagbabagong buhay.