15 million dose ng Pfizer vaccine, ilalaan para sa 5-11 age group

Aabot sa 15 million doses ng Pfizer COVID-19 vaccine ang inilaan ng pamahalaan para sa pagbabakuna sa edad 5 hanggang 11.

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., plano nilang masimulan ang pagbabakuna sa nasabing age group sa ikalawa o ikatlong linggo ng buwan ng Enero.

Aniya, target nilang mabakunahan ang 14.7 million na kabataan edad 5 hanggang 11.


Sinabi rin ni Galvez na hiniling na nila sa COVAX Facility at sa UNICEF kung maaari silang magbigay ng karagdagang mga bakuna para sa mga bata sa Pilipinas.

Kasabay nito, pinayuhan naman ng Department of Health (DOH) ang mga Local Government Unit na hintayin ang guidelines sa pagbibigay ng bakuna, maging ang petsa kung kailan ito maaaring umpisahan.

Nauna nang inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbibigay ng naturang bakuna sa mga batang may edad 5 hanggang 11.

Facebook Comments