Cauayan City, Isabela- Sinira at sinunog ng mga awtoridad ang higit 15-milyon na halaga ng tanim na marijuana sa isinagawang operasyon sa bulubunduking bahagi ng Kalinga.
Resulta ito ng “OPLAN MARITES” ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan ng Cordillera at PDEA.
Ayon sa report ng pulisya, walong plantasyon ang sinalakay sa Brgy. Bugnay, Tinglayan, Kalinga.
Aabot naman sa 75,000 piraso ng tanim na marijuana mula sa 7,150 na sukat ng lupain ang binunot ng mga awtoridad.
Wala namang naiulat na nahuli sa likod ng naturang malawak na taniman habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Facebook Comments