15 milyong piso na hinihinalang shabu, nasabat sa NAIA terminal 3

Manila, Philippines – Arestado ang 4 na individual ito ay matapos mahulihan ng 2 kilong hinihinalang shabu sa airport particular sa NAIA terminal 3.

Modus ng grupo, magpapasok ng droga sa bansa sa pamamagitan ng international courier at ito ay aabangan nalang ng sindikato sa airport.

Gayunman ayon kay Deputy Task Group Commander Marjuvel Bautista ng NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, nakatanggap sila ng report mula sa kanilang counterpart sa Mexico na may parating na bagahe na naglalaman ng mga iligal na droga.


Nang inspeksyunin ang bagahe, nagduda na agad ang mga operatiba matapos umupo ang K9 dog indikasyon na may kontrabando sa loob nito.

Sa entrapment operation, nagpalit pa ng pangalan si Alnar Pundato Sultan para itago ang tunay na pagkatao sa pagkuha ng mga iligal na droga.

Kasunod nito nagturo na ang suspek at naaresto pa ang 3 kasabwat na nakasakay sa kotse sa labas lamang ng airport.

Nakilala ang mga ito Na Sina Jamal Tantao, Casan Rangaig, At Babaeng si Inairah Pundato.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15 milyong piso na hinihinalang shabu na itinago sa mga tubo o construction tube sealant.

Facebook Comments