Maaga pa lamang, maituturing nang matagumpay ang isinasagawang Mega Job Fair sa Malabon City katuwang ang DZXL 558 Radyo Trabaho.
Nitong 11 am, pumalo na sa 600 ang bilang ng mga job seekers na dumagsa sa sports complex.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga tao sa Mega Job Fair ng PESO Malabon.
Ito ang pangalawang job fair na inilunsad ng Malabon City government matapos ang mahigpit na quarantine status dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon kay Luziel Gutierrez Balajadia, PESO Manager ng Malabon, nasa 73 companies kabilang na ang ilang recruitment agencies ang nakilahok sa job fair.
Ang job fair ay naging bukas sa mga aplikante na skilled, blue collar jobs, mga newly grad, undergrad at mga nag-aaral pa.
Kabilang sa mga trabahong available ay office staff, factory worker, cashier, IT staff, accounting, merchandiser, promodiser, call center agents at iba pa.
Kabilang sa mga na hired on the spot ay ang magkaibigang taga-Marilao, Bulacan na si Rona Marie Isabelo, Ivy Lalaine Cruz at Mark Gonzales na nag-apply na office staff at production helper ng kompanyang London Industrial Products Inc.
Agad ding natanggap ang nag-aaral pa na si Geoffrey Federic Garcia sa HR Department ng Meralco
Hired on the spot si Maritess Quiboquibo bilang service ng Remily’s Yema Cake.
Labis naman ang naging pasasalamat ni Malabon PESO Manager Luziel Gutierrez Balajadia sa lahat ng nakibahagi sa aktibidad.
Dagdag pa ni Balajadia, target nila na makatanggap ng aabot sa mahigit isang libong aplikante hanggang sa pagsasara ng mega job fair mamayang alas-kuatro ng hapon.