15 na empleyado, nag-positibo sa rapid COVID test

15 ang nag-positibo sa COVID-19 rapid test na ginawa 500 empleyado ng Senado kasama ang mga Senador na nagtungo ngayon sa Senado para sa muling pagbubukas ng session.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III, ang 3 sa mga ito ay staff ng tatlong Senador,

Ang isa ay waiter, ang isa ay page o staff na nakatalaga sa plenary hall at ang 10 ay mga tauhan ng Office of the Senate Sargent at Arms.


Kinumpirma na nina Senators Migz Zubiri at Win Gatchalian na tig-isang staff sila ng nagpositibo sa rapid test.

Sabi ni Sotto, ipinahatid ang 15 sa ospital para isailalim sa swab test at quarantine.

Samantala sa pagbubuka ng session ngayong hapon ay 15 mga senador ang physically present na kinabibilangan nina Senate president Tito Sotto III at nina Senators

  1. Lito Lapid
  2. Francis Tolentino
  3. Manny Pacquiao
  4. Bong Go
  5. Bong Revilla
  6. Grace Poe
  7. Win Gatchalian
  8. Nancy Binay
  9. Richard Gordon
  10. Joel Villanueva
  11. Migz Zubiri
  12. Ralph Recto
  13. Ping Lacson
  14. Ronald Dela Rosa

Lahat sila ay naka-face mask at mahigpit na nag-observe ng physical distancing bilang bahagi ng pag-ingat laban sa virus.

nagparticipate naman sa sesseion sa pamamagitan ng teleconferencing ang walong Senador na sina

Senators

  1. franklin drilon
  2. cynthia villar
  3. risa hontiveros
  4. sonny angara
  5. kiko pangilinan
  6. risa hontiveros
  7. imee marcos
  8. koko pimentel

Sa session ngayon ay inaprubahan ang Senate Resolution Number 372 na nag-amyenda sa kanilang senate rules parq mapahintulutan ang teleconferencing o video conferencing sa kanilang mga legislative proceedings at committee hearings.

Inaprubahan din ngayon ng mga Senador sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill Number 1365 o ang Alternative Learning System Bill.

Facebook Comments