Pinayagan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na makabalik-pasada sa Metro Manila ang karagdagang labinlimang modern Public Utility Jeepney at 15 UV Express units simula sa Lunes, December 21.
Batay sa Memorandum Circular (MC) 2020-083, magbubukas ng isa pang ruta upang madagdagan ang mga pampublikong sasakyan na mapapakinabangan ng publiko ngayong holiday season.
Kabilang sa mga ruta para sa Modern PUJ ay mula:
• Rodriguez Sub-urban – SM North EDSA
Para naman sa UV Express, ang ruta ay mula:
• San Rafael – Cubao, Quezon City
Muling pinapaalala ng LTFRB na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang UV Express at PUB.
Simula noong ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ), binuksan sa loob at labas ng Metro Manila ang 399 na ruta para sa 35,153 authorized units ng mga traditional jeepneys, 48 na ruta naman para sa 865 units para sa modern Public Utility Jeepney.
May 35 na ruta para sa 4,552 na units ng public utility bus.
Bilang ng authorized units: 4,552.
Maliban sa 35 na ruta para sa point-to-point bus (P2P) na may 404 na authorized units
Kasama rin dito ang mga UV Express, mga taxi at mga Transport Network Vehicle Services (TNVS) na nagbalik-kalsada na rin.