15 pamilya, nawalan ng tahanan sa nangyaring sunog kahapon ng hapon sa Binondo, Manila

Umabot sa ₱50,000 ang halaga ng mga ari-arian ang tinupok ng apoy kung saan 10 mga kabahayan ang nasunog kahapon ng hapon sa Clavel Street Barangay 272 Binondo, Manila.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa bahay na pagmamay-ari naman ni Hermogenes Ciudad na nagsimula mag-aalas singko ng hapon.

Mabilis na tinupok ng apoy ang mga kabahayan dahil sa ang mga bahay ay gawa ng light materials kung saan nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag na pagmamay-ari ng pamilya Ciudad.


Mabuti na lamang ay walang naiulat na nasaktan o nasawi sa naturang sunog na agad naapula alas-5:15 ng kahapon ng hapon na umabot lamang sa unang alarma.

Facebook Comments