15 patay, 70 sugatan sa pagguho ng subway sa Mexico

134

Patay ang 15 indibidwal habang 70 ang sugatan sa pagguho ng isang overpass sa Mexico City.

Nangyari ang aksidente kagabi kung saan nadamay ang isang subway train sakay ang mga biktima.


Ayon kay Mexico City Mayor Claudia Sheinbaum, may sasakyan pang naipit sa ilalim ng overpass pero pansamantala nilang itinigil ang rescue efforts dahil unstable at umuuga pa ang subway.

Aniya, hinihintay pa ng emergency service crews ang pagdating ng crane bago ituloy ang paghahanap sa mga survivor.

Facebook Comments