15 patay, sa pagbaliktad ng isang school bus sa Argentina

51

World – 15 ang patay na kinabibilangang ng siyam na bata makaraang ma-aksidente ang isang school bus na may lulang mga estudyante, magulang at mga guro sa Argentina.

Galing sa dance school ang nasabing bus nang ito ay maaksidente kanlurang bahagi ng Buenos Aires.

Patay din ang driver ng bus habang dinala naman sa ospital ang 21 nasugatan.


Ayon sa mga nakaligtas, mabilis ang andar ng bus na mayroong 50 pasahero nang ito ay bigla na lamang bumaligtad sa palikong bahagi ng kalsada.

Facebook Comments