15 Pinoy galing Libya, pauwi na ng bansa

Nadagdagan pa ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na ni-repatriate ng Philippine government mula sa Libya.

Ayon kay Chargé d’ Affaires Elmer Cato, 15 Pinoy ang kanilang napakiusapang umuwi at inaasahang darating ang mga ito ngayong araw.

Sinabi pa ni Cato na ito na ang pinakamalaking bulto ng mga OFWs na mapapauwi ng bansa magmula ng sumiklab ang gulo sa Libya dalawang buwan na ang nakararaan.


Sa nasabing bilang, 5 ang menor de edad at 2 naman ang Islamic scholars.

Sa kabuuan umaabot na sa 70 Pinoy ang napauwi magmula nang mag-umpisa ang giyera sa pagitan ng pwersa ng United Nations sa pangunguna ni Prime Minister Fayez al-Sarraj at ng Libyan National Army na pinamumunuan naman ni Khalifa Haftar.

Matatandaang itinaas sa alert level 4 ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang sitwasyon sa Libya dahil sa tumitinding kaguluhan sa Tripoli bunsod ng civil war.

Sa pinakahuling datos ng UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs nasa 82,300 indibidwal na ang sapilitang lumikas habang umaabot naman sa 135 civilian casualties ang naitatala.

Facebook Comments