15 PRIBADONG UNIBERSIDAD AT KOLEHIYO SA ILOCOS REGION, HUMILING NG TAAS MATRIKULA

Nasa labing lima na pribadong unibersidad at kolehiyo sa Ilocos Region ang humiling na itaas ang kanilang matrikula ayon sa Commission on Higher Education (CHED) para sa taong 2022-2023.
Sa panayam mg IFM Dagupan kay Dr. Myrelle Faith Mina, Supervisor In-Charge of Criminology and Tuition Fee Increase, noong araw ng sabado ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon para sa tuition fee increase.
Sa kanilang datos, dalawa dito ang humiling mula sa Ilocos Norte, isa sa Ilocos Sur, tatlo sa La Union at siyam sa Pangasinan.

Ani Dr. Mina, dadaan pa ito sa matinding pag-uusap at kailangang aprubahan ng CHED Central bago ipatupad.
Samantala, nakiusap ang ahensya sa mga estudyante na idirektang isangguni ang anumang reklamo sa mga unibersidad at kolehiyo sa kanilang tanggapan. | ifmnews
Facebook Comments