15 PSG personnel ni Executive Secretary Salvador Medialdea, nagpositibo sa COVID-19!

Nagpositibo sa COVID-19 ang 15 security personnel na naka-assign kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Security Group (PSG) Commander Col. Jesus Durante III.

Pero ayon kay Durante, inaalam pa nila kung ang 15 nagpositibo sa virus ay pawang mga PSG personnel o ibang staff ni Medialdea.


Pawang asymptomatic at naka-quarantine na ang mga ito.

Negatibo naman sa test si Medialdea.

Ayon kay Durante, magtatalaga sila ng bagong grupo ng PSG personnel para sa executive secretary.

Inirekomenda rin ng PSG na isailalim sa quarantine ang Office of the Executive Secretary habang nagsasagawa ng disinfection sa tanggapan.

Tiniyak naman ni Durante na wala sa mga close-in security ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpositibo sa COVID-19.

Facebook Comments