15 pulis Caloocan na sangkot sa iligal na pagsalakay sa bahay sa Caloocan, kinasuhan na ng PNP

Caloocan City – Kinasuhan na ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang 15 pulis Caloocan na iligal na nagsagawa ng pagsalakay sa bahay ng isang Gina Erobas sa Caloocan City noong September 7.

Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfergar Triambulo, kasong grave neglect of duty at less grave neglect of duty ang isinampa kay Police Chief Inspector Timothy Aniway Jr. ang Police Community Precinct 4 Commander ng Caloocan PNP.

Habang kasong grave misconduct at conduct of unbecoming of a police officer ang isinampa sa operating team na sina Police Senior Inspector Warren Tano Peralta, PO1 Ariel Furio, PO1 Marvin Poblete, PO1 Sherwin Rivera, PO1 Jay Gabata, PO1 Sampang Sampurna II, PO1 Rene Llanto, PO1 Louie Serrano, PO1 Jaypee Talay, PO1 Ronelio Julaton, PO1 Jay-ar Sabangan, PO1 Jaime Natividad, PO1 Michael Angelo Miguel at PO1 Joey Leaban.


Batay sa resulta ng imbestigasyon ng PNP IAS, kinasuhan si Chief Inspector Aniway dahil sa command responsibility.

Habang dahil sa kawalan ng sapat na dokumento o official order para magsagawa ng operasyon ang naging dahilan para kasuhan ang operating team.

Facebook Comments