Manila, Philippines – Inalis na sa pwesto ang 15 mga pulis na nakunan ng litrato na natutulog habang nakaduty sa gagalanging police community precinct sa Tondo, Maynila.
Ayon kay NCRPO Chief Director, nagpunta ang kumuha ng litrato sa presinto para ireklamo ang pagnanakaw ng kaniyang motorsiklo.
Aniya, nasa floating status ang mga ito habang gumugulong ang imbestigasyon.
Sinabi naman ni MPD S/ Supt. Danilo Macerin, na magkakaroon ng balsahan sa kaniyang mga istasyon bunsod ng insidente.
Nabatid na hindi pa nagbibigay ng pahayag ang mga inalis na pulis.
Facebook Comments