15 SLOTS PARA SA KASALANG BAYAN 2026 , BINUKSAN NA SA INFANTA

Muling binuksan ng Local Government Unit (LGU) Infanta ang Kasalang Bayan 2026, isang taunang civil wedding ceremony para sa mga mag-partner na nagsasama na ng hindi bababa sa limang taon sa ilalim ng Article 34 ng Family Code of the Philippines.

Ayon sa pahayag, 15 libreng slots lang ang maaaring ma-accommodate ng aktibidad. Dahil dito, hinihikayat ang qualified couples na magpasa nang maaga upang masigurong mapasama sa kasalang bayan.

Ilan sa mga kinakailangang dokumento ang birth certificate, valid ID ng parehong aplikante, community tax certificate, birth certificate ng mga anak (kung mayroon), CENOMAR, notarized affidavit of cohabitation at certificate of pre-marriage orientation.

Kaugnay sa balita, sa ilalim ng Article 34 ng Family Code of the Philippines, pinapayagan ang mga mag-partner, na nagsama na ng matagal nang hindi bababa sa limang taon, na magpakasal na kahit walang marriage license.

Facebook Comments