15 Things You Need To Know About MOMOLAND

Kinahihiligan ngayon ng maraming kabataan sa Pilipinas ang mga bagay o tao na galing sa bansang Korea. Mapa-Korean drama man yan, Korean songs, Korean foods, Korean fashion sense, lalo na ang mga Korean music groups. Ilan sa mga patok ngayon na K-pop group ay ang BTS, EXO, Blackpink at ang sikat na sikat ngayon na grupo ng Momoland.

Sila ang nasa likod ng mga kantang “Boom Boom” at “Baam” na siya namang ginagawan ngayon ng sandamakmak na dance covers sa social media.

Narito ang ilan sa mga fun facts tungkol sa grupong Momoland


  1. Ang MOMOLAND ay isang South Korean girl group na binuo ng MLD Entertainment through the 2016 reality show na Finding Momoland. Ang mga nanalo nga rito na sina Hyebin, Yeonwoo, Jane, Nayun, JooE, Ahin, at Nancy ang siya ring mga miyembro nito.
  2. Nag-debut ang grupo noong November 10, 2016 with their EP na Welcom to Momoland
  3. Nagdagdag pa sila ng dalawa pang miyembro. Isa rito ay si Daisy, na dating na-eliminate sa reality show kung saan sila nabuo, at si Kim Taeha na eliminated contestant naman sa isa pang reality show na Produce 101 noong April 2017.
  4. October 2016 nang ma-appoint na ambassadors para sa International Relief Development NGO Plan Korea ang grupo
  5. November 10 nang mag-release sila ng debut na extended play Welcome to Momoland as they made their debut through M Countdown.
  6. On December 27, six members except kay Yeonwoo, na tumigil muna dahil sa kaniyang lower back pain, ay um-attend sa SBS Gayo Daejeon, ito ay isang major annual end-of-the-year music program.
  7. January 2018 nang mag-comeback sila with their third EP na “Great!” with their title track na “Bboom Bboom”
  8. January 11 nang nag-perform sila at nanalo sa Mnet’s M! Countodwn
  9. Sikat na miyembro nila si Nancy. Siya ay half American half Korean na ipinanganak noong April 2000. Siya ang “maknae” ng grupo o ang pinakabata sa grupo.
  10. Isa pa sa miyembro nila ay si JooE, ang kanilang lead rapper na ipinanganak noong August 1999. She starred in the Tropicana Commercial, and is also the face of the Tropicana company.
  11. Isa pa sa mga miyembro ng grupong Momoland ay si Daisy. Former trainee ng JYP at muntik nang mapasama sa reality show na bumuo naman sa grupong Twice.
  12. Isa pang miyembro ng Momoland ng Momoland ay si Taeha, na dating contestant  ng reality show na Produce 101.
  13. Si Kim Na Yun, isa pang miyembro ng grupong Momoland ay na-diagnose ng BPPV- isang disorder na related sa inner ear na nagiging cause ng vertigo. Nitong July 2018 ay nag-announce na she will go on a temporary hiatus para makapag-focus sa kaniyang health.
  14. Ang pinakamatakaw sa kanila ay si Ahin, ang kanilang main vocalist.
  15. Isa pa nilang miyembero ay si Hyebin, at ang kaniyang special talent ay mag-impersonate ng voice ng game characters at zombies.
Facebook Comments