15 trains, target ng MRT 3 na mapatakbo pagkatapos ng holy week

Manila, Philippines – Puntirya ng Metro Rail Transit Line 3 management na makapag operate na ng labinlimang tren pagkatapos ng panahon ng Semana Santa.

Ayon kay Ally Narvaez, MRT 3 Spokesperson, dumating na ang kinakailangan na spare parts para makapagsasagawa na sila ng maintenance work, at pagpapanibago sa train system sa holy week.

Ilang Japanese railway engineers at experts mula sa Japan International Cooperation Agency ang nagsasagawa ng system audit sa MRT 3. Ang resulta ng audit ay ibibigay sa susunod na maintenance provider na hahawak sa rehabilitation at restoration works ng train system sa Mayo.


February 4 nang makapagpaakyat ng sampung tren ang MRT 3 management sa mainline.

Facebook Comments