15 unibersidad sa Pilipinas ang pasok sa best higher education institutions in Asia batay sa 2022 university rankings ng think tank na Quacquarelli Symonds.
Nanguna rito ang University of the Philippines na nasa pang-77 mula sa 687 na institusyon habang sinundan ng Ateneo de Manila University, De La Salle University at University of Santo Tomas.
Bukod sa apat na unibersidad, pasok din ang mga sumusunod:
Ateneo de Davao University (501-550)
Mapúa University (501-550)
Silliman University (501-550)
Mindanao State University – Iligan Institute of Technology (551-600)
Central Luzon State University (601-650)
Xavier University (601-650)
Adamson University (651+)
Cebu Technological University (651+)
Central Mindanao University (651+)
Central Philippine University (651+)
Lyceum of the Philippines University (651+)
Sa kabila nito, bumaba ng walong pwesto ang UP habang tumaas naman ang rankings ng Ateneo, La Salle at UST.
Ayon kay Commission on Higher Education o CHED Chairman J Prospero de Vera III, nahigitan natin ang performance noong nakakaraang taon kung saan 14 na unibersidad lamang ang nakapasok sa listahan.