150 bahay sa Batangas, nasunog

Naabo ang nasa 150 kabahayan sa Barangay Sta. Clara sa Batangas City.

 

Alas 5:00 ng hapon kahapon nang sumiklab ang sunog sa isang residential area malapit sa Batangas port.

 

Dahil low tide, nahirapang makakuha ng tubig mula sa dagat ang mga residente at mabilis na kumalat ang apoy.


 

Alas 7:00 kagabi nang itaas ito sa ikaapat na alarma bago tuluyang naapula alas onse kagabi.

 

Iniimbestigahan pa ng mga bumbero ang sanhi ng sunog.

 

Sa ngayon, pansamantalang nananatili sa basketball court at ilang eskwelahan sa lugar ang mga nasugan.

 

Umapela naman ng tulong at donasyon ang barangay.

 

Samantala, kahit malapit sa batangas pier ang sunog, hindi naman ito umabot sa pantalan kaya normal pa rin ang biyahe ng mga barko at ferry ngayong araw.

 

Facebook Comments