150 ESTUDYANTE, NAKILAHOK SA ROAD SHOW NG BFP ISABELA

Cauayan City – Lumahok ang nasa 150 mag-aaral mula sa iba’t-ibang paaralan sa Lungsod ng Santiago sa Fire Square Road Show ng Bureau of Fire Protection Isabela sa Robinson’s Place Santiago City.

Tampok sa nabanggit na aktibidad ang iba’t-ibang kagamitan ng BFP kabilang na ang kanilang mga uniporme, firefighting equipments, at iba pang kagamitan na ginagamit ng mga personnels sa mga emergency situations.

Maliban dito, itinuro rin ng mga BFP Personnels sa mga bata ang mga basic fire prevention techniques na maaaring magamit sa paaralan, sa kanilang mga tahanan, maging sa pang araw-araw nilang pamumuhay.


Dagdag pa rito, tampok rin sa aktibidad ang interactive games, pagpaparanas at pagtuturo sa kanila ng CPR at Water Extinguishment Demonstrations, Smoke Maze, at ang Tower Rapelling.

Ayon kay Provincial Fire Marshal Fire Senior Superintendent Atty. Archie Andumang, mahalaga umanong magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga bata patungkol sa fire safety education dahil hindi lamang makatutulong ito upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunog, kundi upang masiguro rin and kaligtasan ng mga bata.

Samantala, ang aktibidad na ito ay bahagi pa rin ng selebrasyon ng Fire Prevention Month ngayong buwan ng Marso.

Facebook Comments