Kinuwestyon ni Senate Committee on Agriculture Chairperson, Sen. Cynthia Villar ang Department of Agriculture (DA).
Ito’y matapos malaman na kasama sa proposed budget ng ahensya para sa susunod na taon ang 150 Million pesos na alokasyon para sa Research ng National Corn Program.
Giit ni Villar, malaking pondo dapat ang inilalalan na direktang nakakatulong sa mga magsasaka.
Inakusahan din ng Senadora ang National Food Authority (NFA) na nakikipagsabwatan sa mga Rice Cartel at hoarder matapos alisan ng Regulatory Functions sa Rice Imports kasunod ng Rice Tariffication Law.
Sa ilalim ng batas, magkakaroon ng Unlimited Rice Imports at maglalaan ng 10 bilyong piso bawat taon para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).
Facebook Comments