150 MSMEs, natulungan ng proyektong “Bagsakan” ng DTI

Umabot sa 150 Micro, Small, at Medium Enterprises (MSMEs) ang natulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng proyektong “Bagsakan” ngayong panahon ng pandemya.

Ito ay bahagi ng adbokasiya ng DTI na tangkilikin ang mga lokal na produkto mula sa lalawigan na ginagawang accessible sa mga customer ng Metro Manila.

Sa kabuuan, mahigit P14-million na ang nalikom ng mga lumahok na exhibitors sa proyekto.


Magpapatuloy ang proyektong “Bagsakan” ng DTI hanggang sa December 13 sa Festival Mall sa Alabang na lalahukan ng 40 exhibitors mula sa Bataan, Nueva Ecija, Isabela, Laguna, Batangas, Sorsogon, Samar, Zamboanga City, Davao City, at National Capital Region (NCR).

Facebook Comments