150 na mga Bagong Miyembro ng Pulisya sa Region 2, Nanumpa Na

390

*Cauayan City, Isabela*- Nanumpa na ang may kabuuang 150 na mga bagong miyembro pulisya sa buong Lambak ng Cagayan kahapon, January 17, 2020.

Sa naging talumpati ni PBGen. Angelito Casimiro, Acting Regional Director ng PRO2, ang nasabing panunumpa ng mga bagong miyembro ng pulisya ay isang importanteng pagbabago sa kanilang buhay.


Mahigit 1,000 aplikante ang sumailalim sa nasabing PNP Recruitment habang 225 ang nakapasa sa Physical Agility Test, 195 ang nakapasa sa Psychiatric/Psychological Exam hanggang sa 150 ang kwalipikado na mapabilang sa PNP Organization pagkaraan na malampasan ng mga ito ang lahat ng hakbang sa Patrolman Recruitment Program.

Binubuo ng 30 na kababaihan at 130 na Kalalakihan ang dagdag na miyembro ng pulisya sa rehiyon.

Sa pamamagitan nito ay mas madaragdagan ang pwersa ng kapulisan sa pagbibigay ng serbisyon publiko.

Facebook Comments