50 na mga tauhan ng PNP, sinampahan ng patong-patong na kaso sa Office of the Ombudsman

Pormal nang nagsampa ang National Police Commission (NPC) at Philippine National Police (PNP) ng patong-patong na kasong kriminal sa Office of the Ombudsman laban sa 50 police officers na sangkot sa ₱6.7-B shabu na nakumpiska kay Police Master Sergeant Rodolfo Mayo.

Sa isang press conference, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos, batay sa mga physical evidence at mga testimonya, may batayan para kasuhan ang mga ito.
Kabilang sa kinasuhan ay 12 commissioned officers at 28 non-commissioned officers.

Kabilang sa mga isinampang kaso ay paglabag sa anti-graft and corrupt practices, paglabag sa RA 9165, falsification, perjury, false testimony at malversation of public property.


Kabilang lang sa mga pinangalanan ay ang mga opisyal na sina Police Lieutenant (PLT) Gen. Benjamin Santos Jr., Brig Gen Narciso Domingo, PLt.Col. Julian Colonan, PLt.Col. Arnulfo Ibanez.

Ayon kay Abalos, mula sa 50 na respondents, 48 ang nahagip ng CCTV video.

Habang ang di pinangalanang dalawang police officers ay kinasuhan batay sa conspiracy o pakikipagsabwatan sa 48 na respondents.

Maliban sa mga criminal cases mahaharap din ang mga police officials sa kasong administratibo ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Facebook Comments