150 pamilya sa Tondo Maynila, nasunugan!

105

Tinupok ng apoy ang mga kabahayan sa Yuseco Abad Santos, Tondo, Maynila dakong alas 8:00 kagabi.

 

Umabot hanggang ikaapat na alarma ang sunog bago tuluyang naapula alas 12:10 na kaninang madaling araw


 

Ayon sa mga bumbero – mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa light materials ang karamihan sa mga bahay at dikit-dikit ang mga ito.

 

Nasa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan at aabot sa isang milyong piso ang danyos.

 

Bugbog-sarado naman sa mga residente ang lalaking pinaghihinalaang may kagagawan ng sunog.

Facebook Comments

From Advertisers