Pinauubaya na ng Malacañang ang pagpapasya sa mga mambabatas sa panukalang 150 pesos legislated wage hike.
Sa isang panayam, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, na bahala na ang mga mambabatas sa bagay na ito.
Aniya ang mga petisyon para sa umento sa sweldo na nakahain sa Regional Tripartite and Productivity Board (RTPB) ay may sinusunod ring proseso.
Pinabulaanan naman ni Bersamin na walang pakialam si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa hinaing ng mga manggagawa para sa umento sa sweldo.
Gustong-gusto raw ng pangulo na magkaroon ng adjustment sa sweldo ang mga manggagawa pero hindi siya makapagdesisyon dahil may tamang mga prosesong dapat pagdaanan bago ito maipatupad.
Facebook Comments