1,500 BAG NG HYBRID RICE SEEDS, IPINAMAHAGI SA MGA MAGSASAKA SA MANGALDAN

Nakatanggap ng 1,500 bag ng hybrid rice seeds ang mga magsasaka sa bayan ng Mangaldan noong Oktubre 14.

Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office ang pamamahagi ng mga binhi mula sa Department of Agriculture – Regional Field Office 1 (DA-RFO 1).

Layunin ng programa na matulungan ang mga magsasaka sa nalalapit na dry cropping season at mapataas ang produksyon ng bigas sa bayan.

Sa ilalim ng Hybrid Rice Seeds Intervention Program ng DA-RFO 1, inaasahang mapalalakas ang ani at muling mapapaunlad ang agrikultura sa Mangaldan.

Facebook Comments