1,500 OFWs sa Hong Kong na tinamaan ng COVID-19, humihingi ng ayuda sa OWWA

1,500 Overseas Filipino Workers (OFWs) na tinamaan ng COVID-19 sa Hong Kong ang dumudulog sa Overseas Welfare Workers Administration O OWWA.

Partikular ang special assistance ng OFWS na na-infect sa ikalimang wave ng virus.

Sa ngayon, sunud-sunod ang tawag na natatanggap ng OWWA mula sa OFWs na humihingi ng tulong pinansyal.


US$200 ang special assistance na matatanggap ng bawat OWWA members na nagpositibo sa COVID-19.

Ang kailangan lamang nila isumite ay kopya ng passport, kopya ng HK ID at medical letter/certificate, gayundin ang SMS mula sa Department of Health ng Hong Kong.

Facebook Comments