1,500 PANGASINENSE, SASABAK SA PNP ENTRANCE EXAMINATIONS

Aabot sa 1,500 Pangasinense ang sasabak sa PNP entrance at promotional examinations ngayong taon ayon sa National Police Commission Region 1.

Ayon sa tanggapan, nangunguna ang Pangasinan sa may pinakamataas na bilang ng examinees na tumutumbas sa 60 hanggang 66 percent sa buong rehiyon.

Bukas sa mga indibidwal 21 hanggang 30 anyos na may apat na taong college degree at sa mga PNP personnel mula sa first to fourth ranks. Nagtapos ang online application at processing kahapon, March 7 para sa examination na gaganapin sa Abril 27 ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments