500 pesos na subsidy, malaking tulong sa maralitang pamilya para sa isang senador

Para kay Senator Christopher Bong Go, anumang dagdag na ayuda ay malaking tulong para makabangon ang mga mahihirap na pamilya at matulungan ang bansa na makaahon mula sa pandemya.

Pahayag ito ni Go, makaraang itaas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 500 pesos ang naunang 200 pesos na dagdag-ayuda para sa mga mahihirap sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Diin ni Go, ang hakbang ng pangulo ay nagpapakita ng malasakit para sa mga mahihirap.


Ayon kay Go, kahit patapos na ang termino ni Pangulong Duterte ay hindi pa rin natitinag ang pagmamahal nito sa mga nangangailangan at ang kanyang political will para mabigyan ng mas komportableng buhay ang mga Pilipino sa harap ng maraming pagsubok.

Paliwanag ni Go, ang importante ngayon ay mabigyan ng solusyon ang mga hinaing ng taumbayan kaya dapat lang na suyurin pa lalo ang nakalaang pondo ng bayan para mapakinabangan ng mga nangangailangan.

Facebook Comments