Natapos nang matulungan ang unang batch ng pamilyang may partially damaged na tahanan dulot ng Bagyong Emong sa Bani, Pangasinan.
Kinabibilangan ito ng 1,500 pamilya mula sa iba’t-ibang barangay na tinukoy sa listahan ng Municipal Social Welfare and Development Office.
Ayon sa lokal na pamahalaan, itutuloy pa ang distribusyon ng tulong sa mga nasalanta sa mga totally damaged at ibang partially damaged ang tirahan.
HUmiling din ng pang-unawa ang tanggapan sa ibang residente dahil sa patuloy na pangangalap ng mapagkukunan ng tulong upang sikapin na mabigyan ang lahat ng apektado.
Samantala, hinimok ang mga residenteng totally damaged ang tahanan na magpalista sa barangay o MSWDO upang mapabilang sa listahan ng mga benepisyaryo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









