15,000 benepisyaryo sa sektor ng transportasyon, hindi pa nabibigyan ng fuel subsidy

Tinatayang 15,000 mula sa kabuuang 264,000 mga benepisyaryo sa sektor ng transportasyon ang hindi pa nabibigyan ng 1st tranche fuel subsidy.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Kristina Cassion na sa loob ng linggong ito ay ipapasok na rin ng Landbank sa accounts ng mga benepisyaryo ang pondo.

Ayon kay Cassion, natapos na nilang ipamahagi ang malaking bahagi ng subsidiya sa nakararaming benepisyaryo.


Samantala, mayroong 5,000 pangalan na sinauli sa DTI dahil na reject ng system ng Landbank bunsod na rin ng invalid accounts.

Para naman sa mga tricycle driver sa ilalim ng pangangasiwa ng mga lokal na pamahalaan, nagbibigay na aniya ngayon ang ahensiya ng debit advise sa Landbank para mai-credit na rin sa GCash o over the counter ang pondo para sa mga benepisyaryo.

Facebook Comments