15,000 doses ng Sputnik V, paghahatian ng limang LGU sa NCR

Matatanggap ng limang local government unit (LGU) sa Metro Manila ang inisyal na 15,000 trial-order doses ng Russian COVID-19 vaccine na Sputnik V.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, ang limang lungsod sa National Capital Region (NCR) ay pinili dahil mayroong silang naaangkop na cold storage facility para sa nasabing bakuna.

Kabilang sa mga makakatanggap ng Sputnik V vaccines ay ang Makati, Taguig, Muntinlupa, Parañaque at Maynila.


Dagdag pa ni Cabotaje, ang simulations ng bakuna ay isasagawa ng Parañaque LGU katuwang ang ilang pribadong sektor.

Habang ang Makati City LGU ay nakipag-partner sa Makati Medical Center para sa pagdedeploy ng mga bakuna.

Sabado nang dumating sa bansa ang Russian-made vaccines.

Facebook Comments