Aabot sa 15,000 hanggang 20,000 doses ng COVID-19 vaccines ang matatanggap ng bawat lalawigan sa labas ng Metro Manila.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ibibigay ang mga bakuna sa mga lugar na nakakaranas ng surge ng COVID-19 infections.
“If we have 81 provinces kasama po ang NCR, talagang ang pinakamalaking makukuha ng isang probinsya is only 15 to 20,000. Kaya madidilute natin ang vaccines. Ang magkakasurge, ‘yon ang babatuhan ng malalaking volumes ng vaccines,” sabi ni Galvez.
Ang Sinovac-Biotech ng China ay magpapadala ng nasa 5.5 million doses sa Pilipinas sa Hulyo.
Target ng vaccine manufacturer na makumpleto ang delivery ng 20.5 million doses sa Setyembre.
Nangangahulugan lamang na nasa lima hanggang anim na milyong bakuna ang ipapadala kada buwan sa bansa.