15,000 posibleng carrier ng COVID-19, pinaghahanap na ng pamahalaan

Pinaghahanap na ng pamahalaan ang nasa 15,000 posibleng carrier ng COVID-19 habang tinatapos na ang backlogs sa testing ng mga indibidwal na posibleng tinamaan ng virus.

Batay ito sa datos ng Department of Health (DOH) kaugnay ng mga namatay at kumpirmadong kaso ng sakit sa bansa.

Ayon kay National Task Force COVID-19 Response Chief Implementor Carlito Galvez, nakabase sa Metro Manila ang aabot sa 5,000 hanggang 8,000 indibidwal.


Kukuha na rin aniya ang gobyerno ng isang milyong test kits para ma-test ang mas maraming taong hinihinalang tinamaan ng nasabing sakit.

Facebook Comments