15,000 pulis idedeploy para sa gaganaping 30th Sea Games sa bansa sa Nobyembre

Magtatalaga ang Philippine National Police ng 15,000 mga pulis para magbantay sa gaganaping 30th Sea Games na gagawin mula November 31 hanggang December 11, 2019.

 

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig Gen Bernard Banac ang idedeploy na mga pulis ay manggagaling sa PNP Region 3 at NCRPO.

 

5000 pulis ay magmumula sa PNP region 3 habang 10,000 pulis manggaling sa NCRPO.


 

Sa harap naman ng mga paghahanda para sa 30th sea games walang namomonitor ang PNP na banta sa seguridad para sa gagawing okasyon.

 

Gagawin ang sea games sa Clark, Subic at Metro Manila.

 

Samantala babantayan rin ng PNP ang billeting areas ng mga manlalaro sa Central Luzon at Metro Manila.

Facebook Comments